Intel funds para sa pagpapatibay ng cybersecurity, hiniling ng DICT

Intel funds para sa pagpapatibay ng cybersecurity, hiniling ng DICT

IMINUNGKAHI ngayon sa Senado na dapat magkaroon ng intelligence funds ang Department of Information and Communications technology (DICT) para sa cyber defense ng bansa.

Sa pagding ng Committee on Science and Technology, araw ng Lunes, sa pangunguna ni Senator Alan Peter Cayetano bilang chairman, ay lumutang na walang nakalaang budget para sa confidential funds ng DICT.

Sa pagdinig, ikinaalarma ng mga senador ang situwasyon matapos kinumpirma ni DICT Undersecretary David Almirol na walang nakalaang pondo para dito.

Ayon kay Almirol, ang kanilang ahensiya ang namamahala sa cybersecurity ng 455 agencies and bureaus ng gobyerno, 178 state universities and colleges, 108 government-owned and controlled corporations (GOCCs), at 1,600 local government units.

“This is very timely. Cybersecurity is not after the fact, and one thing sana we would like sa DICT… hindi yung saka na lang tayo nagrerereact pag tapos na,” pahayag ni Usec. David Almirol.

Batay sa 2015 Joint Government Circular, ang intelligence funds, ay ginagamit para sa data gathering.

Partikular na tinututukan nito ay ang intelligence at counter-intelligence activities na may direktang epekto sa pambansang seguridad.

Maaari din itong gamitin para sa mga espesyal na proyekto sa mga operasyong panloob na seguridad, at mga aktibidad sa kapayapaan at kaayusan.

Ipinunto ng DICT na dapat lagyan ng pondo ang cybersecurity para maprotektahan ang lahat ng departamento ng pamahalaan.

Sa parehong pagdinig ay inamin ni DICT Assistant Secretary for Legal Affairs Renato Paraiso na wala silang visibility pagdating sa data gathering.

“Para dun sa intel funds, for data gathering purposes po… caprichuhan sa DICT para magkaroon kami ng intelligence funds,” saad ni Asec. Renato Paraiso, Legal affairs, DICT.

Ang pagpapatibay sa cybersecurity ay bahagi sa isinusulong na e-governance ng pamahalaan.

Naniniwala si Cayetano na sa pamamagitan nito ay mapapabilis ang serbisyo ng gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter