NAIS ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na matiyak kung istriktong nasusunod ang kanyang Intensified Cleanliness Program.
Kasabay nito, inatasan niya ang regional directors na magsagawa ng surprise inspections sa mga istasyon ng pulisya sa kanilang area of responsibility.
Sa pag-iikot ni Eleazar sa isang police station, tatlong police community precinct, at isang PNP action center sa Metro Manila nitong weekend ay kuntento siya sa resulta ng pagpapatupad sa programa.
(BASAHIN: PNP Chief Gen. Eleazar, nagsagawa ng surprise inspection sa istasyon ng mga pulis sa Metro Manila)
Pero napuna ng PNP chief ang mga upos ng sigarilyo at kalat sa halamanan ng mga istasyon.
Umaasa ang opisyal na istriktong maipatutupad ang kanyang programa upang maging kaaya-aya sa publiko ang mga istasyon ng pulisya.