Intensified Cleansing Policy tutukan  ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar

Intensified Cleansing Policy tutukan ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar

IPATUTUPAD ni bagong talagang Philippine National Police (PNP) Chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang programang Intensified Cleansing Policy sa kanyang pamumuno bilang hepe ng pambansang pulisya.

Layunin ng programa na magkaroon ng total cleansing mulasa pinakamababang ranggo hanggang sa mga heneral sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Dapat aniya na matugunan ang maliit na problema bago pa man lumala.

Kaya naman sa simula ng kanyang panunungkulan, mabilis na aksyon ang kanyang tugon sa mga problemang kinakaharap upang agad itong maresolba.

Ayon kay Gen. Eleazar na paano mahihikayat ang komunidad na maging malinis kung mismong ang mga police station ay marumi, puno nang upos ng sigarilyo at ang amoy ay talagang hindi makukuha ang respeto at tiwala ng mamamayan.

Dahil ani Eleazar, magbubunga ng malinis na serbisyo at trabaho ang malinis na opisina at pag-iisip.

“Hindi kailangang bago at magarbo ang ating police station at hindi rin kailangan na kumpleto ang gamit nito ang mahalaga ito ay maayos, malinis at presentable. Lagi nating tatandaan na ang malinis na opisina ay nagdudulot nang malinis na pagiisip at ang malinis na pagiisip nagbubunga nang malinis na pagseserbisyo at pagtatrabaho,” pahayag ni Eleazar.

Diin ng heneral na ang police station ay bintana ng kaluluwa ng PNP kung saan dito nabubuo ang first impression maging ang respeto tiwala at kumpyansa ng bawat Pilipino.

Sinabi rin ni Eleazar na dahil sa mga pasaway na mga pulis ay nabahiran nang husto ang buong kapulisan.

“Our organization has gone through a lot of pains and challenges over the years we have been called so many names from pulis patola to kotong cops all because of the few bad eggs who have been compromising the integrity and mobility of our profession,” aniya pa.

May garantiya naman ang hepe sa mamamayang Pilipino sa kanyang pag-upo.

“On my part as I formally assumed the highest position in the Philippine National Police today, I also sign with contract to the Filipino people that I too shall lead by example. It is in this contract that to assure our kababayan that as long as I am the chief of PNP every single centavo of your hard earned money allocated to us will be in good hands. To rephrase the quote from patrol woman Rizzy Joy Alejandrino nakamit ko na ang isang pambihirang pangarap o ilusyon ng bawat pulis ang maging chief PNP, bakit pa ako lilihis ng landas,” ayon kay Eleazar.

Binalaan naman ni Eleazar sa mga natitirang hudlom sa loob ng organisasyon.

“Kaya sa mga natitirang hudloms in uniforms sisiguraduhin ko sa inyo you will hate me. Hindi ako magdadalawang isip na magtanggal ng mga tiwaling pulis dahil sa laki ng sweldo na ibinibigay sa atin ng gobyerno at benepisyo sigurado ako na maraming gusto pumalit sa inyo,” ani Eleazar.

Pero sinabi naman ni Eleazar na bibigyan naman pangalawang pagkakataon ang mga naligaw ng landas at inihalintulad ito sa isang prodigal son na nakasaad sa Bibliya kung saan buong pusong tinanggap ng ama ang kanyang anak na suwail upang magbagong buhay.

SMNI NEWS