Interes ng bansa, kailangang isaalang-alang sa usaping pagpapatuloy ng MDT ng Pilipinas at US –Pastor ACQ

Interes ng bansa, kailangang isaalang-alang sa usaping pagpapatuloy ng MDT ng Pilipinas at US –Pastor ACQ

DAPAT isaalang-alang ang interes ng bansa sa usaping pagpapatuloy ng Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng US at Pilipinas.

Ito ang binigyang-diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy hinggil sa usaping pag-review sa 1951 Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ani Pastor Apollo, dapat ay hindi pumanig ang Pilipinas sa kahit anong bansa.

“When you review, it must be for the Philippine interest without biased to all of those countries, powerful countries that are jointly enclasped with freedom of navigation in these international waters,” ang pahayag ni Pastor Apollo.

Ipinunto rin ni Pastor Apollo na wala naman talagang bansa ang makapag-aangkin ng buong karagatan, ang common ground ani Pastor Apollo ay maprotektahan ang interes ng kani-kaniyang bansa.

Kaya naman ani Pastor Apollo, kailangan ay mayroong freedom of navigation.

“And in the same vein, no one really can claim the whole ocean for themselves only because we are a community of nations and we all have own interest in all of these,” dagdag nito.

“What is the common ground? The common ground is for everyone’s interest to be protected. Everyone’s nations to be protected, so that means, there should be freedom of navigation in all of these waters, sa international waters natin,” ayon pa sa butihing Pastor.

Samantala, sang-ayon si Pastor Apollo sa sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat magkaroon ng code of conduct sa territorial at disputed waters.

Ani Pastor Apollo, hindi naman kinakailangang magkaroon pa ng ‘conflict’ sa pagitan ng mga bansa.

Sa huli ani Pastor Apollo, ang Pilipinas ang siyang maiipit sakaling magkagirian ang mga makapangyarihang bansa kaya naman dapat aniya ay resolbahin ito sa pamamagitan ng diplomatic talks.

“Sinabi ni PBBM we have to have a code of conduct in these territorial water and disputed waters, disputed islands kailangan magkaroon tayo ng code of conduct kung anong gagawin.”

“So that must be settled in a manner where everybody diplomatically can talk kung ano yung gusto nila tapos pag-usapan. It does not need to be a conflict kasi conflict only destroys and only worsened the international peace that we have, di na kailangan yun kasi we have to outlaw war, kung maaari we can talk a thousand times to avoid war to avoid these conflicts.”

“Yung iba naman kasi na mga bansa dahil makapangyarihan sila, forceful, ito naman forceful din. Nasa gitna tayo, sandwich tayo. Tayo ang magiging referee diyan. Kundi tayo ang magiging sandwich, ipit ka talaga diyan,” aniya pa.

Samantala, ayon kay National Security Adviser Clarita Carlos, nararapat lang ang malalimang pag-aaral sa MDT dahil iba na ang kalagayan ng Pilipinas ngayon kumpara noon.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Marcos na bumuo ng study group ang National Security Council, Department of National Defense, at Department of Foreign Affairs upang masusing pag-aralan ang 1951 Mutual Defense Treaty ng bansa sa US.

Follow SMNI NEWS in Twitter