International arrivals muli ng tatanggap ang bansang Victoria simula sa ika-8 ng Abril.
Ipagpapatuloy ng bansang Victoria ang mga international flights sa ika-8 ng Abril, kasunod ng isang malawakang pagsusuri at pagsasaayos ng hotel quarantine program.
Ang ilang trabaho ay magaganap bilang bahagi ng nabagong sistema, tulad ng pag-upgrdae ng mga exhaust fans, ito ay matapos matagpuan na ang bentilasyon ang may kasalanan sa huling virus outbreak sa estado.
Samantala, pahayag naman ng isang Acting Police Minister na si Danny Pearson, na sinuri ng kanyang mga tauhan ang mga bentilasyon sa bawat silid.
“This has been COVID-19 Quarantine Victoria (CQV) going room by room, floor by floor, to check on each and every room to make sure that when you open a door … Air flows in, rather than flowing out to the corridor,” saad ni Pearson
Ang iba pang pagbabago bahagi ng maingat na pagsusuri ay ang paggamit ng Personal Protective Equipment o (PPE). Kailangan sa lahat ng mga hotel at ang lahat ng staff ay magsuot ng N95 facemask.
Itinatag din ang baong online system para sa madaling pagkonekta gamit ang bagong QR code system.
Ang mga manlalakbay ay susubukan para sa COVID-19 apat na beses sa pagdating.
Inirekomenda rin ang follow-up test matapos ang quarantine.
Samantala, pinaniniwalaan na mas mainam pa ang hand sanitiser kesa ang pagsusuot ng gloves ng isang staff ng hotel.
Ayon kay Acting Premier James Merlino, tatanggap ang lungsod ng 800 returned travellers kada linggo bago pa ito umabot ng 1,120 sa ika-15 ng Abril.
Napapasailalim ito sa kapasidad ng ventilation na kinakailangan sa quarantine hotel.
Samantala, sasailalim ang mga traveller nang 2 hanggang 4 na beses sa panahon ng kanilang quarantine period.
Ayon kay Deputy Chief Health Officer Allan Cheng, halos 90 percent ng hotel staff ay nabakunahan na kaya tiyak na ligtas nang ipagpapatuloy muli ang mga flight.
(BASAHIN: International inbound arrivals sa NAIA, lilimitahan sa 1,500 simula bukas)