International flights ng Philippine Airlines, tigil muna simula bukas

PANSAMANTALA munang ititigil ang lahat ng international flight ng Philippine Airlines simula bukas, Marso 26.

ADVISORY: Philippine Airlines temporarily suspended all its international flights from March 26 to April 14, 2020. For inquiries, call PAL hotline 8855 8888. | via PIA

Posted by SMNI News on Wednesday, 25 March 2020

Ito ay bilang pagsunod sa enhanced community quarantine na ipinatutupad ng gobyerno sa buong Luzon upang papigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa abiso ng PAL, tatagal ang tigil operasyon ng biyahe hanggang Abril 14.

Nauna nang itinigil ng PAL ang kanilang domestic flights noong Marso 17 dahil sa COVID-19.

Ulat ni: Cherry Light

Leave a Reply

Your email address will not be published.