International flights, pwede na sa Terminal 3 sa July 8

International flights, pwede na sa Terminal 3 sa July 8

TATANGGAP na ng international flights ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, simula Hulyo 8, matapos itong nagsara noong ika-28 ng Marso dahil sa pandemyang COVID-19.

 

Kung matatandaan nito lamang March 28 ay sinara ang lahat ng flight operation sa NAIA Terminal- 3 simula nang naitigil ang operasyon ng domestic flights at ang mga international flights operation nito at ito ay inilipat sa NAIA Terminal-1.

 

Ayon sa MIAA Media Affairs Division Office ang mga  flights ng All  Nippon Airways (ANA),  Air Aisa Berhad (AK), Cathay Pacific (CX), Emirates (EK), KLM  Royal Dutch Airlines (KLM), Qatar Airways (QR),  Singapore Airlines (SQ) and Turkish Airlines (TK) ay lalapag at lilipad  sa NAIA Terminal-3 simula sa July 8 habang mananatili munang suspendido ang iba pang airline carriers na may international routes na naka assigned sa Terminal-3 gaya ng Cebu Pacific, Delta Air, Qantas Airways at United Airlines.

 

Samantala, mananatili naman ang international arrival flights ng Philippine Airlines sa NAIA Terminal -2 habang ang international departures nito ay mag-ooperate muna  sa NAIA Terminal-1.

 

Ang mga dati namang air carriers na na-assigned sa NAIA Terminal-1 ay mananatili sa Terminal-1 kabilang na dito ang  Air China (CA), Air Niugini (PX), Asiana Airlines (OZ), China Airlines (CI), China Eastern (MU), China Southern (CZ), Etihad Airways (EY), Eva Air (BR), Ethiopian Airlines (ET), Gulf Air (GF), Hong Kong Airlines, Japan Airlines (JL), Jeju Air (7C), Jetstar Asia (3K, )Jetstar Japan (GK), Korean Airlines (KE), Kuwait Airways (KU), Malaysian airlines (MH), Oman Air (WY), Royal Brunei Airlines (BI), Saudia Airlines (SV), Scoot (TR), Thai Airways (TG) at Xiamen Air.

 

Ang ilang foreign carriers ay nagseserbsiyo pa rin sa repatriation flights.

 

Ang NAIA terminal-4 ay mananatili pa rin sarado hanggat wala pang abiso.

 

Para naman sa domestic operation ng Cebu Pacific ,CebGo, Philippine Air Asia at Air Swift ay mag o-operate pa rin muna sa NAIA Terminal-3 habang ang Philippine Airlines at PAL Express ay sa NAIA Terminal-2 .

 

Ang mga nabanggit na airlines ay patuloy pa rin nag o-operates bilang sweeper flights.

 

Sa kabila nito kinumpirma naman ng Department of Foreign Affairs na sa 177 na mga bansa sa buong Amerika ,Asya at Pasikipiko, Europa at Gitnang Silangan at Africa na may  travel restrictions, 31 na dito ang inalis para  payagan na makapasok ang mga Pilipinong manlalakbay kabilang na ang mga bansang Bahamas, Egypt, Ethiopia, at UAE.

 

Pero sasailalim pa rin sa medical protocols ang  mga darating na pasahero.

 

Nasa 68 pa rin na mga bansa ang nasa listahan  na hindi pinapayagan na makapasok o tumapak sa kanilang teritoryo kabilang na ang bansang, Haiti, Palau, Timor Leste, France, Middle East at iba pa.

 

Nasa 78 naman na mga bansa na kahit sarado ang inbound border ay binigyan naman exemptions ang mga Filipino na makapasok gaya ng mga  citizen na sa kanilang destinayon sa bansang pupuntahan at returning residents ,OFW na may work visa at contracts ,diplomatic at UN passport holders.

Sa bagong infographics na inilabas ang DFA may 138 na bansa ngayon ang pinapayagan ang mga Pilipino na makabalik sa Pilipinas, pero ito’y sasailalim pa sa flight availability o iba pang special arrangements.

 

CHERRY LIGHT

Leave a Reply

Your email address will not be published.