BUMILIS ang performance ng fixed broadband at mobile download ng Pilipinas batay sa ulat ng Ookla Speedtest Global Index report nitong March.
Mula sa dating 90.03 mbps ay umakyat ito sa 90.57 mbps.
Ang latest download speed naman ng bansa ay bumilis ng 19.66% simula nang mag-umpisa ang Marcos administration noong July 2022.
Sinabi na ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang kanilang pagsusumikap na mapabilis ang internet speed ng bansa ay nakalinya sa ninanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.