BUMILIS ng 297.47% ang internet speed ng Pilipinas base sa isinagawang pagsusuri ng global broadband speed test na Ookla.
“Ang internet speed ng Pilipinas ay nag-improve ng 297.47%, ang tinutukoy dito ang internet average download speed for fix broadband at 202.41% naman ang improvement sa mobile broadband,” pahayag ng Malakanyang.
Ang pag-unlad na ito sa internet speed ng bansa ay simula noong mamuno si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bansa noong July 2016 hanggang December 2020.
Ngunit nang magbabala ang pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong taong 2020 tungkol sa serbisyo ng internet, nag-increase pa ito ng 25.4% sa fix download speed.
Pagdating naman sa mobile download speed, bumilis ito ng 202.41% simula nang manungkulan si Pangulong Duterte noong July 2016 hanggang December 2020.
Ngunit nang magbabala ang pangulo noong kanyang SONA noong July, tumaas ito ng 32.7% increase.