ISA sa mga tututukan ng Philippine Air Force (PAF) ay ang Interoperability Exercises.
Sa panayam ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa programang SMNI Exclusive sa commanding general ng Philippine Air Force na si LtGen. Connor Canlas, inilahad nito na isa sa tututukan ng PAF ang Interoperability Exercises upang mapalakas pa ang hukbong panghimpapawid.
Ibinahagi rin nito na una nang nakilahok ang PAF sa Korean Air Force.
‘’Kasama po ‘yan sa flight plan namin na 2040 to engage and to gage our stakeholders and have international engagements with other foreign air forces that have the same adhikain, like-minded countries,’’ ayon kay LtGen. Connor Canlas.
‘’Meron po tayong mga subject matter expert exchanges, ito po ‘yung mga magagaling at dalubhasa sa mga skills ng air defense ng surface strikes capabilities na nag-share po sa atin ng skills in order to upgrade our capabilities in terms of aircraft controlling, in terms po ‘yung nag iintegrate ng operations from all major services,’’ saad ni Canlas.
Kaugnay nito, inaasahan din ng Army Air Force Navy ang pagbisita ng mga fighter unit ng Japan sa Disyembre bilang bahagi ng pakikipag-ugnayan sa air forces ng Japan.
Samantala, isa rin sa tinututukan ng PAF ang kanilang Flight Plan 2028 at Flight Plan 2040 upang maging mas responsive ang PAF hindi lang sa rehiyon kundi sa buong mundo.
‘’It’s meant to achieve ‘yung ating core competencies, through the enablers po, ‘yung tinatawag naming enablers, ‘yung doctrines, organization, training, material, logistics, facilities, para po mag-increase ang ating capability to respond and to be credible sa mga functions na dapat naming gampanan,’’ ani Canlas.
‘’2040 ang target po nito is of course to have credible and agile air force, adaptable to modern warfare and responsive to regional security and national development,’’ paliwanag nito.