UMABOT ng 29 milyon na international travelers ang naitala ng Bureau of Immigration (BI) hanggang nitong Disyembre 31, 2024.
Sa bilang, 14.5M (14,540,533) ang arrivals kung saan 7.9M (7,922,052) ang mga Pilipino at 6.6M (6,618,481) ang mga dayuhan.
Sa 15M (15,050,136) na naitalang departures, 8.3M (8,348,283) dito ay mga Pilipino at 6.7M (6,701,853) ang mga dayuhan.
Ibig sabihin dito ayon sa Immigration, umuunlad na ang travel industry ng bansa.
Kaugnay rito ay tututukan na rin anila ang modernisasyon hinggil sa immigration processes ngayong 2025 para sa mas mabisang travel experience sa bansa.