HALOS walang benepisyo na nakukuha ang bansa mula sa international trips ni Bongbong Marcos Jr.
Ito ang paniniwala ng majority ng mga Pilipino batay sa Hunyo 23 hanggang Hulyo 1 na survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay rito, 34 percent ang nagsasabing halos walang nakukuha ang Pilipinas sa naturang mga pag-alis habang 17 percent ang naniniwalang kaunti lang ang nakukuha mula rito.
Kung pagsamahin, nasa 51 percent ang naniniwalang walang saysay ang international trips dahil hindi nakakabenepisyo rito ang mayorya ng Pilipino.
37 percent lang ang nagsasabing may nakuhang benepisyo habang 8 percent ang naniniwalang lubos na may nakukuha mula rito.