PINANGANGAMBAHAN ng publiko ang patuloy na paglobo ng utang ng Pilipinas na umabot sa P16.09T noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Sa ulat ng Bureau of Treasury, mahigit 10% itong mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2023.
At isa sa itinuturong dahilan ng pagtaas ng utang ay ang paghina ng piso kontra dolyar.
Para naman sa dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, dapat matiyak na nagagamit nang tama ang pondo ng gobyerno.
Samantala, sa usapin naman ng pagtaas ng kontribusyon ng Social Security System (SSS), sinabi ni Atty. Panelo, dapat maramdaman din ng mga miyembro ang dagdag-benepisyo.
Sa pagpasok nga ng taong 2025 ay sinabayan ito ng dagdag-singil sa kontribusyon.
Mula 14%, ay magiging 15% na ito ngayon.
10% dito ay babayaran ng employer habang ang natitirang 5% ay sasagutin ng employee.