Investment ng Maharlika sa NGCP, malaki ang balik para sa bansa

Investment ng Maharlika sa NGCP, malaki ang balik para sa bansa

MAKAKAPAGHATID ng malaking balik para sa ikauunlad ng bansa ang posibleng investment ng Maharlika Investment Corp. (MIC) sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon kay MIC President at Chief Executive Officer Rafael Consing, Jr. na nakita niya ang potensiyal ng pagkakaroon ng investment sa NGCP batay rin sa ipinakita na pigura ng Synergy Grid & Development Philippines Inc. (SGP) sa kaniya.

Dagdag pa nito, isa rin ang energy sector sa prayoridad ng magiging investments ng MIC.

Sakaling itutuloy ang investment, ang pagsasapinal naman sa magiging transaksiyon ay aabutin ng siyam na buwan hanggang isang taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble