Investment pledges ng China sa Pilipinas, ipinanawagang tuparin

Investment pledges ng China sa Pilipinas, ipinanawagang tuparin

NANAWAGAN ngayon si Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz sa mga Chinese investor na tuparin nila ang kanilang pangako sa pamahalaan.

Ginawa ni FlorCruz ang pahayag ilang buwan matapos ang state visit sa China ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. nitong Enero.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News, sinabi ni FlorCruz sa Chinese counterparts na i-‘deliver’ ang kanilang investment pledges sa presidente at hindi puwedeng hanggang ‘photo-op’ at ‘press conference’ ang lahat.

Saad ng Philippine Envoy to China na nais ng Marcos administration na madala talaga sa Pilipinas ang pledges sa nagdaang state visit kaya panay follow-up nila ngayon dito.

“Hindi pupwedeng ano lang, press conference lang o photo op o pirma-pirmahan lang no. Ang gusto po nating mangyari bilang suporta sa ating administrasyon ng Pangulong Marcos, madala talaga na investment ng projects ng tangible benefits,’ saad ni FlorCruz.

At sana aniya ay hindi ‘dahan-dahan’ kundi ‘agad-agad’ ang pagpapatupad ng mga programa dito sa Pilipinas.

Sa kabuuan ng kaniyang state visit, nag-uwi ang Pangulo ng 22.8-B USD na halaga ng investment mula sa China kasama na ang 14 bilateral agreements.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter