IP community na biktima ng CPP-NPA sa Davao City, nakatanggap ng tulong mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

IP community na biktima ng CPP-NPA sa Davao City, nakatanggap ng tulong mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

LABIS-labis ang pasasalamat ng mga taga tribo Bagobo-Klata Indigenous People (IP) community sa Sitio Kahusayan Brgy. Manuel Guianga, Davao City kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Matapos ang mga ito ay tumanggap ng tulong mula sa butihing Pastor.

Ayon kay Judy Diarog, isa sa mga pinuno ng tribu sa lugar ng IP community, malaking bagay ang pagdating ng tulong ni Pastor Apollo sa kanila lalo na ngayong panahon ng krisis at pandemiya.

Hindi rin aniya nito inakala na may tulong na ipinaabot sa kanila ang butihig Pastor sa kabila ng masasamang ginawa nila kay Pastor Apollo gaya ng pagtawag na land grabber at mamamatay tao sa kabila ng kawalan ng matibay ng basehan.

Sa panayam ng SMNI News, personal din itong humingi ng paumanhin sa butihing Pastor at hangad din na makapanayam nang personal ni Pastor Apollo upang ipaabot ang kanilang lubos na pagsisisi at makapagsimula ng panibagong buhay na mapayapa kasama ng kanilang komunidad.

Ang naturang tulong ay bahagi ng pagdiriwang ng nalalapit na kaarawan ni Pastor Apollo ngayong Abril.

Follow SMNI NEWS in Twitter