IP leaders sa Mindanao, ikinatuwa ang hatol ng korte vs France Castro, Satur Ocampo, atbp

IP leaders sa Mindanao, ikinatuwa ang hatol ng korte vs France Castro, Satur Ocampo, atbp

MATAPOS ang matagal na panahong paghihintay ay sa wakas dumating na ang hagupit ng batas para habulin ang mga makakaliwang grupo na nangbibiktima ng mga katutubo partikular na ang mga kabataan.

Para sa mga lider ng indigenous people sa Mindanao, isang selebrasyon ang araw ng paglalabas ng hatol ng Regional Trial Court Branch 2 sa Tagum City, Davao del Norte laban sa mga makakaliwa, kabilang sina ACT Teachers Rep. France Castro at dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo.

Guilty sila sa kasong child abuse o paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Ito’y kaugnay sa nangyayari noong 2018 kung saan nakita sina Castro, Ocampo at iba pa na ibinibiyahe ang 14 na mga menor de edad na mga IP sa Talaingod Davao del Norte.

Una nang ibinasura ng korte ang depensa ng mga akusado na bahagi ng kanilang educational mission ang ginawang recruitment sa mga kabataang katutubo.

Sa inilabas na pahayag ng Mindanao Indigenous Peoples Council of Elders and Leaders (MIPCEL) at ang Mindanao Indigenous Peoples Youth Organization (MIPYO), anila ang tagumpay na ito ay hindi lang para sa mga katutubo kundi para sa lahat ng mga Pilipino na naniniwala sa demokrasya.

Sa isang panayam, ikinuwento ni Datu Allan Causing, ang ancestral domain management officer sa Talaingod, na naluha sa sobrang tuwa ang isang IP leader dahil ang hustisya ay dumating na sa kanila.

“Masaya talaga ang IPs, pati ang sa mga tribal leader, na nabigyan ng hustisya ang ginawa ng dalawang tao, hindi lang dalawang tao kundi pati na rin ang kanilang mga kasamahan, at iba pang grupo ng mga leftist, na nabigyan ng hustisya ang kanilang gulo na ginawa sa amin,” ayon kay Datu Allan Causing, Ancestral Domain Management Officer.

Samantala, muling ibinahagi ni Datu Allan ang ginawang panggagamit nila Castro at Ocampo kasama ang iba pang nasa makakaliwang grupo na nangunguha ng mga kabataang IP para gawing kasangkapan.

“Dito sila kumuha ng kabataan through sa kanilang inestablish na paaralan – Salugpungan… Kinukuha ‘yung mga kabataan dito tapos dinadala nila sa iba’t ibang lugar. Tapos hindi nila pinapaalam sa mga magulang at mga IPS, mga underage pa.”

“Maraming mga kabataan kinuha nila dito at ipa-transport sa ibang lugar para gawin nilang commander,” dagdag ni Datu Allan.

Naniniwala naman si Bawan Jake Llanes na ang tagumpay na ito’y magiging matibay na basehan upang habulin at mapanagot pa ang iba pang mga makakaliwang kriminal na nagbabalat-kayong bahagi ng gobyerno at legal na grupo.

“Magiging precedent o merong legal na basehan para habulin at i-unmask, hubaran ng kanilang maskara ang iba pang mga kadre ng CPP na nakatago at nagmamaskara bilang mga human rights defender,” saad ni Datu Jake On Implication, Bawan Jake Llanes, Executive Director, MIPCEL.

Sa huli, malaki ang pasasalamat ni Datu Allan sa national government, lalo na sa NTF-ELCAC dahil sa patuloy na pagtulong sa kanilang sektor, partikular laban sa mga komunistang teroristang grupo.

“Nagpapasalamat po kami sa MIPCEL, MIPYO, sa national government partikular na ang NTF-ELCAC sa walang tigil na tulong sa amin para mabigyan ng hustisya ang kanilang ginagawa na panggugulo dito sa ancestral domain ng Ata Manuvu,” ani Datu Allan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble