iPhone 16 ng Apple, maaari nang ibenta muli sa Indonesia

iPhone 16 ng Apple, maaari nang ibenta muli sa Indonesia

NAGKAROON na ng kasunduan ang Indonesia at ang tech giant na Apple para maalis na ang pagbabawal sa pagbebenta ng iPhone 16 sa kanilang bansa.

Nakatakda nang lagdaan ang naturang kasunduan ngayong linggo para maging opisyal.

Matatandaan na ipinagbawal ng Indonesia ang iPhone 16 sa kanilang bansa simula noong october 2024 matapos bigong masunod ng tech giant ang hiling nila na 35 percent sa mga materyales para mabuo ang ibebentang smartphones ng Apple ay locally-made.

Samantala, dahil meron na ngang kasunduan para maalis ang ban sa pagbebenta ng iPhone 16 sa Indonesia ay may plano na ang Apple na mag-invest ng 1 billion dollars para sa isang manufacturing plant nila sa naturang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble