Iran, itinutulak na i-ban sa 2024 Paris Olympics dahil sa diskriminasyon

Iran, itinutulak na i-ban sa 2024 Paris Olympics dahil sa diskriminasyon

HINIHIKAYAT ang International Olympic Committee na ipagbawal na sumali ang bansang Iran sa 2024 Paris Olympics.

Sa isang sulat na ipinadala sa IOC, nakasaad dito na nilabag ng Iran ang prinsipyo ng ‘non-discrimination’ sa sports.

Sinasabing ang mga babaeng atleta sa Iran ay pinag-eensayo sa basements at isa palang ito sa halimbawa ng diskriminasyon.

Mismong si dating Franco-Iranian Boxing World Champion Mahyar Monshipour at Iranian Nobel Peace Prize Winner Shirin Ebadi ang humiling sa hakbang na ito sa IOC.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter