Iranian envoy, nag-courtesy call sa lider ng Kamara

Iranian envoy, nag-courtesy call sa lider ng Kamara

BINISITA ni Iranian Ambassador to the Philippines Alireza Tootoonchian si House Speaker Martin Romualdez sa Batasang Pambansa ngayong Martes ng hapon.

Sa mga larawang ibinahagi ng Office of the Speaker, makikita na mainit ang pagtanggap ng lider ng Kamara sa kinatawan ng Iranian government.

Binigyan naman ng token of appreciation ni Romualdez si Ambassador Tootoonchian sa huling bahagi ng kanilang meeting.

Wala pa namang ibinigay na detalye ang Speaker’s Office sa kung ano ang mga napag-usapan ng dalawang opisyal.

Naunang sinabi ng Iranian envoy nitong nakaraang taon na nais ng kanyang bansa na palakasin ang defense relationship sa Pilipinas nang bumisita ito sa Department of National Defense.

Kabilang din sa nais ng Iran na mapagtibay ang Philippine partnership sa disaster management and response, counter-terrorism at self-reliant defense posture (SRDP).

Follow SMNI NEWS in Twitter