Ireland, isinuspinde ang paggamit ng AstraZeneca vaccine matapos ang naiulat na blood clots sa Norway

PANSAMANTALANG isinuspendi ng bansang Ireland ang paggamit ng AstraZeneca COVID-19 vaccine matapos maiulat na nagkaroon ng blood clots ang ilang pasyente sa Norway matapos mabakunahan.

Ayon sa Norwegian Medicines Agency, may apat na kaso ng malalang blood clots sa mga taong may edad matapos na mabakunahan ng AstraZeneca vaccine.

Ang nasabing aksyon ng Ireland ay bilang pag-iingat lamang sa kabila na hindi pa napatunayang may kaugnayan ang AstraZeneca sa mga kaso ng blood clot.

Nakatakda namang magpulong ang National Immunisation Advisory Committee (NIAC) ng Ireland para sa karagdagang diskusyon kaugnay sa pagsuspendi ng nasabing bakuna.

Ang Ireland ang huling bansa sa European countries na nagdesisyon na pansamantala o tuluyan nang isuspendi ang paggamit ng AstraZeneca vaccine matapos ang mga ulat ng mga pasyenteng nakararanas ng blood clots matapos mabakunahan nito.

Sinabi naman ng AstraZeneca na sa kanilang pagsusuri ay wala silang nakitaan na may panganib sa blood clots ang bakuna.

“Around 17 million people in the EU and UK have now received our vaccine, and the number of cases of blood clots reported in this group is lower than the hundreds of cases that would be expected among the general population. The nature of the pandemic has led to increased attention in individual cases and we are going beyond the standard practices for safety monitoring of licensed medicines in reporting vaccine events, to ensure public safety,”ayon kay Chief Medical Officer Ann Taylor ng AstraZeneca.

(BASAHIN: AstraZeneca vaccine patuloy na gagamitin ng bansa laban sa COVID-19)

SMNI NEWS