INIHALAL bilang Co-president ng international community si Iriga City Mayor Madelaine Alfelor bilang pagkilala at pagtitiwala dahil sa ipinakita nitong kakayahan at tapang sa pagharap sa hamon ng krisis dulot ng Coivd-19 pandemic sa kanyang nasasakupan.
Binigyang pagkilala ng International Community si Iriga City Mayor Madelaine Alfelor sa pagkakahalal nito bilang co-president ng isang malaking karangalan hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa buong bansa.
Ayon sa international community nakita nila ang magandang performance ni Iriga city mayor Madelaine Yorobe Alfelor ng alkalde kaya’t malaki ang kanilang pagtitiwala at pagkilala dito para maihalal bilang co-president sa United Cities and Local Government- Asia Pacific o UCLG-ASPAC.
Tanging si Mayor Alfelor lamang ang tanging naging representante ng Southeast aAia sa nasabing International na organisasyon ng mga lokal na gobyerno sa buong mundo.
Ang pagkakahalal ng alkalde ay bunga ng pagiging mahusay nito bilang lider lalo na sa kanyang pagharap sa hamon ng pandemnyang Covid-19 gayundin sa pakikipagharap nito sa sunod-sunod na kalamidad na humagupit sa buong lungsod.
Taong 2004 nang mahalal si Mayor Madelaine Alfelor-Gazmen, anak ni dating Camarines Sur Congressman, Ciriaco R. Alfelor at apo ng dating Camarines Sur Governor Felix O. Alfelor. Si Madelaine ang pinaka unang babae na naging alkalde ng kanilang lungsod.
Ang alkalde rin ang kauna-unahang babaeng pilipino na nabigyan ng pagkaaktaong maging opisyal sa United Cities and Local Governments bilang Treasurer ng UCLG – World.