IRR ng Extended Producer Responsibility Act, nilagdaan na ng DENR

IRR ng Extended Producer Responsibility Act, nilagdaan na ng DENR

NILAGDAAN na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Yulo Loyzaga ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Republic Act 11898 o Extended Producer Responsibility (EPR) Act of 2022.

Nakasaad sa nasabing polisiya na dapat magkaroon ng inisyatibo ang mga malalaking kumpanya na iproseso ang 20% ng kanilang plastic packaging waste.

Nakasaad din sa IRR ang online registry kung saan makakapagrehistro ang producer at manufacturer.

Ang mga producer, distributor at retailer na tatalima sa EPR Law ay magiging eligible para sa tax incentives.

Sa hakbang na ito ay inaasahan na mababawasan ang plastic wastes generation o pagtatapon ng basura na maaari pang magamit at maproseso.

Bago pa man nilagdaan ang naturang IRR ay nagkaroon ng public consultation sa iba’t ibang sektor kabilang ang non-government organizations, academic institutions, local government units.

Kasama rin ang private sector gaya ng sanitary landfill operators, manufacturing corporations at recycling o upcycling companies.

Follow SMNI NEWS in Twitter