Isa nasawi, siyam nawawala, sa isang mudslide sa Norway

ISA katao ang naiulat na nasawi habang patuloy na pinaghahanap ang siyam pang nawawala sa naganap na mudslide sa isang bayan ng Norway.

Kabilang sa nawawala ang isang sanggol at isang 13-taong gulang na bata.

Gumuho ang buong libis ng Ask, hilagang silangang bahagi ng Oslo, Norway, na tumabon sa ilang kabahayan sa lugar.

Pinalilikas naman ang mahigit isang libo katao malapit sa pinangyarihan ng insidente dahil sa unstable ang lupa ng nasabing lugar.

Kasalukuyan ay patuloy pa rin ang search and rescue operations sa lugar na magtatagal ng ilang araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.