Isa pang empleyado ng Kamara, nasawi dahil sa COVID-19

UMAABOT na sa tatlo ang nasawi dahil sa coronavirus 2019 o COVID-19 sa mababang kapulungan ng Kongreso matapos pumanaw nitong Sabado, Marso 21 ang isa pang staff na tinamaan ng nasabing sakit.

Ayon kay House Secretary General Atty. Luis Montales, ang nasawing empleyado ay isang 65-anyos na walang travel history sa anumang bansa na may mga kaso ng COVID-19 at wala ring exposure sa sinumang tinamaan ng nasabing virus.

Huli itong nag-report sa trabaho noong Marso 4 at dumalo pa sa isang ‘garden wedding’ sa Cavite noong Marso 7.

Isinugod ito sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City noong Marso 10 matapos itong lagnatin, pero dahil negatibo naman ito sa isinagawang test kaya pinauwi muna ito sa kanilang tahanan habang inoobserbahan.

Marso 13 nang muli itong ibalik sa parehong ospital dahil sa malalang ubo at mataas na lagnat kung saan isinailalim ito sa isolation room.

Magugunita na dalawang staff ng printing office ng Kamara ang una nang nagpositibo at nasawi sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.