Isa pang suspek sa Degamo murder, bumaligtad na rin ng salaysay

Isa pang suspek sa Degamo murder, bumaligtad na rin ng salaysay

ISA na namang suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang nadagdag sa mga bumaligtad ng nauna niyang salaysay.

Kaugnay rito ay kinumpirma ni Atty. Danny Villanueva na maghahain sila ng habeas corpus sa Manila Regional Trial Court para sa kaniyang kliyenteng si Joven Javier.

Sinabi ng abogado na nakatanggap kasi sila ng impormasyon na gagawa ng senaryo na kunwari ay nagtangkang tumakas o nag-amok si Javier sa National Bureau of Investigation (NBI) detention cell kaya nabaril ng mga bantay.

Gayunman ay ipinaliwanag pa ni Atty. Villanueva na lahat ng nilalaman sa unang pahayag ni Javier ay kaniyang binawi, kabilang na ‘yung kaniyang salaysay sa Negros Provincial Police at NBI sa Maynila.

Binawi rin aniya ni Javier ang sinabing bahagi siya ng recruitment para sa assault team at doon sa unang tangkang pagpatay kay Degamo noong 2022.

Binawi rin ni Javier ang sinabing nananatili siya sa isang safe house sa likod ng ancestral house ni Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr.

Nagawa umano ito ni Javier dahil sa pagtorture sa kaniya ng mga sundalo at mga pulis sa Negros.

Sa ngayon ay 5 na mula sa 11 mga suspek ang bumaligtad o bumawi na ng kanilang unang testimonya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter