PORMAL nang pinasinayaan araw ng Miyerkules, Disyembre 20, 2023 ang pinakabagong Air Surveillance Radar System ng Philippine Air Force (PAF).
Nakaposisyon ito sa Wallace Air Station, PAF, San Fernando, La Union.
May kakayahan itong mag-detect ng fighter jets at mga posibleng banta sa papasok ng Philippine Exclusive Economic Zone.
Isa pa lamang ito sa apat na radars ng Pilipinas na binili sa Japan.
Gagamitin ito para sa monitoring ng bansa sa himpapawid at maritime activities sa rehiyon.
Pinangunahan ang blessing ng mga kinatawan ng Department of National Defense, Philippine Air Force, Philippine Navy, at Japanese counterpart.