NASAWI na ang isa sa mga kinikilalang suspek ng pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid matapos binaril nito ang kaniyang sarili.
Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang suspek na kinilalang si alias Orly ay sinasabing tumulong sa gunman na si Joel Escorial.
Nitong Linggo, Agosto 11 nang isinilbi ang arrest warrant para kay Orly sa Lipa City, Batangas.
Iyon nga lang, imbis na mag-surrender ay ginawang hostage nito ang kaniyang live-in partner at anak.
Sa kabutihang-palad, sa pamamagitan ng negosasyon ay nagawang pakawalan ang mga hostage subalit dito na binaril ni Orly ang sarili.
Samantala, matatandaang si Percy Lapid ay pinaslang noong Oktubre 2022 sa Las Piñas City.