Isabela Bank Inc., unang bangko na kinandado ngayong taon

Isabela Bank Inc., unang bangko na kinandado ngayong taon

ISINARA ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kauna-unahang pagkakataon ang Isabela Bank ngayong 2022.

Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier, nag-isyu ang Central Bank Monetary Board ng Resolution 3.A noong January 5 na nagbabawal itong mag-operate sa ilalim ng Republic Act 7653 o The Central Bank Act.

Kasalukuyang sumasailalim sa liquidation ang kumpanya sa pamamahala ng Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC).

Maliban dito, isinara din ang 10 pang bangko noong 2022.

Para mapatibay ang sektor, itinaas ng mga regulator ang minimum capital requirements para sa mga Rural Banks ng hindi bababa sa P50-M at hanggang 5 sangay lamang, P120-M para sa may 6-10 sangay, at P200-M para sa maliliit na bangko na may 10 sangay.

Follow SMNI NEWS in Twitter