Isabela, nananatiling positibo sa pagharap sa COVID-19 pandemic

Isabela, nananatiling positibo sa pagharap sa COVID-19 pandemic

POSITIBO ang lalawigan ng Isabela sa kabila ng kinakaharap na COVID-19 pandemic ng bansa.

Sa naging panayam ng SMNI News kay Isabela Governor Rodolfo “Rodito” Albano III, ibinahagi nito na nakakaraos pa naman ang Isabela mula sa COVID-19 pandemic.

Pagbabahagi pa ng gobernador na sa kabila ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar ay mataas naman ang recovery rate nito.

Samantala, hiling nila sa national government na alalayan sila sa kanilang lokal na produkto para makabangon ang kanilang ekonomiya.

“Tutal maganda naman yung mais, ang hihingin ko lang sa national government ay konting ayuda sa presyo. Kahit walang economic stimulus na manggagaling sa national government basta yung ating mga kababayan ay maibenta ng maganda yung produkto nila. Kung di sila nalugi sa kanilang investment, okay na sa akin yun’. Magkakaroon tayon ng consumer power, kung baga consumer spending.” Gov. Rodolfo “Rodito” Albano III, Isabela Province

 

  SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.