Isang abogado na miyembro ng CTG, nasawi sa Bilar, Bohol

Isang abogado na miyembro ng CTG, nasawi sa Bilar, Bohol

KINUMPIRMA ni Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala sa SMNI na aktibong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na New People’s Army (NPA) si Atty. Hannah Joy Cesista na namatay sa isang engkuwentro sa Bilar, Bohol noong umaga ng Pebrero 23, 2024.

“As per report abogada daw. Isa na nman ang nasayang ang buhay dahil sa maling paniniwala,” pahayag ni Col. Louie Dema-ala, Spokesperson, Philippine Army.

 Nauna nang kinumpirma ng Visayas Command na kabilang sa na-neutralize ng mga awtoridad sa Joint Enhanced Military Operation ang top leader ng NPA sa Bohol.

Si Domingo Jaspe Compoc aka Silong, ang secretary ng nabuwag na Bohol Party Committee, ay kabilang sa limang terorista na nasawi sa Joint Enhanced Military Police Operation (JEMPO) ng 47IB at Bohol Police Provincial Office.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble