Isang Activewear firm sa Australia, pinagmulta ng AUD 5-M

Isang Activewear firm sa Australia, pinagmulta ng AUD 5-M

PINAGMULTA ng AUD 5-M ang isang activewear firm sa Australia ang kumpanyang Lorna Jane matapos itong mag-promote ng pekeng impormasyon.

Sa naturang promotion, sinabi ng kumpanyang Lorna Jane na ang damit nito na tinatawag na “LJ Shield” ay nakakapagpigil ng pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa hukom, ang pag-promote ng naturang kumpanya ay “exploitative, predatory and potentially dangerous.”

Ayon naman sa kumpanya, niloko ito ng supplier at pinagbentahan ng produktong hindi naman gumana base sa pinangako nito.

“A trusted supplier sold us a product that did not perform as promised,” ayon kay Lorna Jane chief executive Bill Clarkson.

“They led us to believe the technology behind LJ Shield was being sold elsewhere in Australia, the USA, China, and Taiwan and that it was both anti-bacterial and anti-viral. We believed we were passing on a benefit to our customers,” dagdag nito.

Ayon kay Rod Sims, Chairman ng Australian Competition & Consumer Commission (ACCC), “This was dreadful conduct as it involved making serious claims regarding public health when there was no basis for them.”

“The whole marketing campaign was based upon consumers’ desire for greater protection against the global pandemic.”dagdag nito.

May mga tindahan sa buong Australia, New Zealand, US at Singapore ang Lorna Jane.

Inatasan ng hukom na mag-publish ng mga paunawa sa pagwawasto ang kumpanyang Lorna Jane.

Hindi rin pinapayagan na gumawa ng anumang anti-virus claims na nauugnay sa damit sa loob ng tatlong taon maliban kung mayroon itong makatuwirang batayan upang gawin ito.

Noong nakaraang linggo, ang kumpanya ay pinagmulta rin ng AUD 40,000 ng Therapeutic Goods Administration (TGA) regulator ng bawal na gamot, dahil sa paglabag sa batas ng advertising, na may kaugnayan sa COVID.

“This kind of advertising could have detrimental consequences for the Australian community, creating a false sense of security and leading people to be less vigilant about hygiene and social distancing,”ayon sa Therapeutic Goods Administration (TGA).

SMNI NEWS