INAPRUBAHAN ni King Charles ang panukala ng bayan ng Le Touquet sa Northern France na ipapangalan sa pumanaw nitong ina na si Queen Elizabeth II ang Le Touquet-Paris-Plage International Airport.
Ayon sa Townhall, ito’y bilang pagbibigay-pugay sa dakilang Reyna na pumanaw noong Setyembre 8, 2022.
At isa rin itong pagkilala sa estado ng bayan ng Le Touquet bilang “The Most British of French Resorts”.
Napag-alaman na madalas nagpupunta si Queen Elizabeth noong hindi pa ito Reyna sa resort kasama ang uncle nito na si Edward VIII para mag-horse riding at sand yachting.
Ang paliparan na ipapangalan kay Queen Elizabeth ay itinayo noong 1930.
Naniniwala naman ang Le Touquet na lalong magpapatibay sa ugnayan ng kanilang bayan at ng United Kingdom ang bagong pangalan ng airport.
Samantala, magiging host naman ang Le Touquet sa England Rugby Team na sasabak sa Rugby World Cup na isasagawa sa France.