Army trooper para sa kapayapaan at kaunlaran, pinaslang ng NPA sa Capiz

Army trooper para sa kapayapaan at kaunlaran, pinaslang ng NPA sa Capiz

MARIING kinondena ang brutal na pamamaslang ng New People’s Army (NPA) sa isang army trooper na nagtatrabaho sa isang peace and development initiatives sa Barangay Lahug, Tapaz, Capiz.

Sa pakikiisa ng bansa sa paggunita ng International Law Month na kung saan bago lamang nakapagtala ng 111 violations o kaso na nilabag ang NPA, panibagong kaso na naman ang idinagdag.

Sa tala ng AFP, sa 1,617 International Humanitarian Law (IHL) violations ng communist terrorist group,  309 ay ang insidente ng pagpaslang, 199 ay sa paggamit ng landmines, 560 sa paggamit ng menor de edad na sundalo at 542 sa paninira ng ari-arian at pitong iba pang IHL violations.

Sa kabila ng paglobo ng mga kaso ng mga communist terrorist groups sa paglabag sa International Humanitarian Law ay muling nagpakita ng karahasan ang mga ito sa brutal na pamamasalang ng NPA sa isang Army trooper na gumagawa ng peace and development initiatives sa isang barangay sa Capiz.

Kinilala ang ang pinaslang na si Corporal Frederic K. Villasis, miyembro ng 12th Infantry Battalion, na idineploy para magsagawa ng Community Support Program (CSP) activities.

Ayon sa ulat, pinahinto si Villasis at iba pang mga opisyales ng barangay ng Lahug ng mga rebeldeng grupo [NPA] bandang hapon ng Agusto 15 habang naglalakad papuntang Tapaz Municipal Hall upang matingnan ang community based projects para sa Lahug Village.

Matapos patigilin ng NPA, ay agad na inihiwalay si Villasis at pinalaya ang mga opisyales ng barangay.

Kinalaunan ay tinalian ang mga kamay at ‘execution style’ na  walang awang binaril sa likuran si Villasis ng tatlong beses na agad naman nitong kinamatay.

Mariin namang kinondena ni Brigadier General Marion Sison, Commander ng 301st Brigade ang  nasabing pagpaslang sa opisyal na tapat na nagsisilbi para lamang sa mga peace and development initiatives sa komunidad na matagal nang binabalot ng kahirapan dulot ng panggugulo ng mga teroristang grupo.

“Malinaw na walang pagpapahalaga sa buhay ang mga teroristang NPA. Wala silang respeto sa karapatang pantao. Our soldiers are working to give our people a better life, by paving the way for peace and development. Si Corporal Villasis ay isa lamang sa miyembro ng buong Philippine Army na nagsusumikap na magbigay ng serbisyo sa mga komunidad na ilang dekada nang balot sa kahirapan dahil salat sa kapayapaan. His murder is nothing but a cowardly act of desperation by the communist terrorist group who have been continuously losing their mass-based support in the island of Panay,” pahayag ni Sison.

Samantala, ang asawa’t  dalawang anak ni Corporal Villasis ay makatatanggap naman ng suporta sa gobyerno dahil sa tapat na paglilingkod nito sa bayan.

Nangako naman si Sison na bibigyan nito ng hustisya ang ginawang pagpatay sa isang taong tapat na nagseserbisyo para sa bayan.

BASAHIN: Katapusan ng CPP-NPA-NDF, pinatitiyak rin ng PNP

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *