Isang barko, nakahanda sa malawakang repatriation ng OFWs sa Lebanon

Isang barko, nakahanda sa malawakang repatriation ng OFWs sa Lebanon

NAKAHANDA na ang isang chartered ship para sa malawakang repatriation ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Lebanon.

Dahil dito, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) ay mas marami pang mga Pilipino ang makaka-avail ng repatriation program.

Nasa 159 OFWs ang kasalukuyang nag-aantay ng repatriation at nananatili ang mga ito sa shelters na pinangangasiwaan ng Philippine government.

Noong Oktubre 20, 2024, nasa 76 na OFWs naman ang pinakalatest na nakauwi sa bansa kasama ang kanilang dalawang dependents.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble