Isang bilyong puno, target itanim ng Sonshine Philippines Movement sa pangunguna ni Pastor Quiboloy

Isang bilyong puno, target itanim ng Sonshine Philippines Movement sa pangunguna ni Pastor Quiboloy

KILALA si Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) bilang isang environmentalist.

Bilang bahagi ng kaniyang adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan, itinatag niya ang Sonshine Philippines Movement (SPM) noong 2005 upang itaguyod ang malinis at maayos na kapaligiran.

Sa loob ng maraming taon, patuloy na nagsasagawa ang SPM ng mga programa tulad ng clean-up drives, tree planting, at iba pang makakalikasang proyekto.

Sa loob ng mahigit dalawang dekada, milyon-milyong puno na ang naitanim ng SPM sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Patunay nito ang Exhibit A ni Pastor Apollo—ang napakagandang Glory Mountain at Prayer Mountain sa Davao City na dati ay kalbong bundok na tinaniman ng libu-libong pine trees.

“Mismong si Pastor ang nakaranas ng pagbaha. Merong Prayer Mountain na dati nang naging property ng KOJC pero sila ang nag-suffer once na umuulan kaya nakita ni Pastor kaya nagsimula ang massive tree planting 3 times a year,” pahayag ni Atty. Kaye Laurente, Spokesperson ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Target ni Pastor Apollo na makapagtanim ng isang bilyong puno para sa reforestation efforts upang malabanan ang climate change.

“Ang goal ni Pastor on the path to 1 billion trees ang itatanim ng SPM para sa reforestation efforts,” dagdag ni Atty. Laurente.

Bilang tugon, nagsagawa kamakailan ang SPM ng nationwide tree planting activity na may temang One Tree One Nation upang masolusyunan ang problema sa pagbaha at pagkakalbo ng mga kabundukan.

Mula 2005, umabot na sa 357,940,000 seedlings na ang naitanim ng SPM.

Higit 16-K toneladang basura, nalinis ng Sonshine Philippines Movement na inisyatibo ni Pastor Quiboloy

Bukod sa tree planting activity, bahagi rin ng adbokasiya ng SPM ang paglilinis ng kapaligiran.

Kamakailan nga ay nagsagawa ang SPM ng magkakasunod na clean-up drive na may temang ‘Kalinisan Tatag ng Bayan’ sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan aabot sa 584 toneladang basura ang nakoleta ng mga volunteers.

Sa loob ng mahigit dalawang dekada, tinatayang umabot na sa 16,634 tonelada ng basura ang nalinis ng mga boluntaryo ng SPM mula sa mga baybaying dagat, ilog at pampublikong lugar.

Ang bigat nito ay katumbas ng 2,770 adult African elephants.

“Isa po ‘yan sa gusto ni Pastor Apollo aside sa clean government na tinatawag na zero corruption and at the same time magbubuo si Pastor ng ‘army of cleaners’ para talaga mapanatiling malinis,” aniya.

Samantala, iba’t ibang mga batas pangkalikasan naman, ang nais isulong ni Pastor Apollo sa kaniyang pagtakbo bilang senador kabilang na rito ang greening and beautification project upang mapaganda at maayos ang ating bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter