Isang bomba noong WWII natagpuan sa Nueva Vizcaya

Isang bomba noong WWII natagpuan sa Nueva Vizcaya

NATAGPUAN sa Nueva Vizcaya ang isang 1,000-pound na vintage bomb nitong Martes, Hunyo 24, 2025.

Partikular na nadiskubre ito sa irrigation canal sa tabi ng isang palayan sa Brgy. Tactac.

Ayon sa local police, nananatiling buo ang bomba kung kaya’t humingi na sila ng tulong sa Regional Explosive Canine Unit ng Police Regional Office-2 para sa tamang paghawak nito.

Sinasabing ang vintage bomb ay noon pang World War II.

Ang World War II ay nasa pagitan ng taong 1939 at 1945.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble