Isang call center site sa Bacolod, lockdown ng dalawang araw

KASALUKUYANG ipinatutupad ng Bacolod City ang dalawang araw na lockdown sa call center site na Transcom.

Ayon kay City Legal Officer Joselito Bayatan, magsisimula ngayong araw hanggang bukas ang nasabing lockdown matapos 41 empleyado dito ang nahawaan ng COVID-19.

Ibinahagi naman ni Bayatan na naka-quarantine na ang nasabing mga empleyado at minomonitor ng mga barangay health emergency response teams.

Isang surveillance test na isinagawa noong January 29 at 30 sa 594 nitong mga worker ang siyang nagkumpirma ng apatnaput isang positibo ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.