Isang Cessna plane na patungong Tuguegarao, nawawala

Isang Cessna plane na patungong Tuguegarao, nawawala

ISANG Cessna plane ang nawawala matapos na hindi nakarating sa paliparan ng Tuguegarao City sa Cagayan Valley.

Sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ng Office of the Civil Defense, nitong Martes, Agosto 1 ay umalis mula sa Laoag City ang Cessna 152 at inaasahang makarating ng Tuguegarao ng alas-dose y media ng hapon.

Naniwala naman ang mga awtoridad na posibleng nagkaroon ng emergency landing o bumagsak ang naturang eroplano sa bahagi ng Apayao, Kalinga o sa Abra.

Kinilala ni Cagayan Provincial Information Officer Rogelio Sending, Jr. ang mga sakay ng naturang eroplano na sina Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo, ang piloto nito at ang student pilot na Indian national na si Anshum Rajkumar Konde.

Kinilala rin ang may-ari ng eroplano na Echo Air International Aviation Academy Inc.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter