Isang chapter ng IBP, nanawagan kay PBBM na ire-appoint si COMELEC Chairman Pangarungan

Isang chapter ng IBP, nanawagan kay PBBM na ire-appoint si COMELEC Chairman Pangarungan

UMAPELA kay President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang asosasyon ng mga abogado at hiniling nila na ire-appoint o italaga si Saidamen Pangarungan bilang chairman ng Commission on Elections (COMELEC).

Nakasaad sa board resolution na inilabas ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Lanao del Sur Chapter at nilagdaan ni Chapter President Atty. Dagoroan Macarambon II na ang pag-bypass ng Commission on Appointments (CA) sa ad interim appointment ni Pangarungan na bilang abogado at otomatikong miyembro ng IBP ay hindi aniya makatao.

Dahil dito ay nawalan aniya ng pagkakataon si Pangarungan na maipresenta ang kanyang credentials at mga achievements sa COMELEC kabilang ang matagumpay na idinaos na eleksyon.

Naniniwala ang naturang grupo na sakaling muling ma-appoint si Pangarungan ay magdudulot ito ng tunay na kahulugan ng slogan ng BBM-Sara Team na tinawag na ‘UNITY’.

Follow SMNI NEWS in Twitter