Isang CHED Commissioner, kauna-unahang Pinoy na nakatanggap ng Mahatma Gandhi Prize

Isang CHED Commissioner, kauna-unahang Pinoy na nakatanggap ng Mahatma Gandhi Prize

IKINAGULAT ngunit ikinatuwa ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Ronald Adamat ang natanggap na international award nito kamakailan.

Noong Marso 27, nang parangalan si Adamat ng Mahatma Gandhi Prize for Non-Violent Peace.

Siya ang kauna-unahang Pilipino na nakatanggap ng naturang award.

Sa panayam ng SMNI News, ibinahagi ni Commissioner Adamat na matagal niya nang ginagawa ang mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa gaya na lang sa mga Indigenous People (IP) at mga kabataan.

At sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, saludo ito sa naging peace initiatives ng punong ehekutibo mapa-lokal o mapa-international man, bagay na kanyang lubos na sinusuportahan.

Inihayag na rin ni Adamat na ang NTF-ELCAC ang siyang pinakasusi para malabanan ang insurhensya sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter