Isang courier service, nagsurender ng parcel na may lamang marijuana bricks

Isang courier service, nagsurender ng parcel na may lamang marijuana bricks

ISANG local courier service ang matapat na nagsauli ng isang parcel na naglalaman ng pinaghihinalaang Marijuana bricks sa PDEA Palawan Provincial Office.

Araw ng Huwebes, December 5, 2024, nang mapansin ng kumpanya nito ang isang parcel na may kahina hinalang lamang.

Agad na ipinagbigay alam ito sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nang inspeksiyunin, tumambad ang dalawang bricks ng pinatuyong dahon ng Marijuana at tumitimbang ito ng 2,000 gramo na may estimated DDB value na dalawandaan at apatnapung libong piso.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng PDEA MIMAROPA ang nasabing ilegal na droga.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble