ISANG naghihingalong rebelde, tinulungan ipagamot ng mga tropa ng 58th Infantry Battalion.
Ito’y matapos ang engkwentro sa Claveria, Misamis Oriental.
Kinilala ang rebelde na si Jerry Gonzales Bilohan, 22 anyos, residente ng Brgy. Camuayan, Balingasag.
Namatay rin kalaunan si Bilohan dulot ng komplikasyon mula sa tama ng baril.
Iniwanan ng halagang 3,000 piso si Bilohan ng isa pa nitong kasamahan na agarang tumakas mula sa military operations ng tropa ng pamahalaan.