NASAWI ang isang dayuhang babae sa isang sikat na ski resort sa Hokkaido, Japan.
Batay sa ulat, ito’y dahil sa naganap na avalanche sa ika-lima at ika-anim na station sa Mount Yotei bandang 2:30 ng hapon nitong Biyernes, January 13.
Sinabi naman ng Japan na nagpalabas na ng avalanche warning sa Shiribeshi Area kung saan matatagpuan ang Mount Yotei subalit posibleng hindi ito alam ng nabanggit na dayuhan.
Ang grupo ng nabanggit na dayuhan ay binubuo ng European nationals gaya ng mga bansang Czech Republic, Austria, at Germany.