ISA nanamang pugad ng ilegal na droga ang sinalakay ng mga operatiba ng PDEA Region 8 mula sa isinagawa nitong operasyon sa Brgy. Zone 4, Baybay City, Leyte, araw ng Huwebes, December 5, 2024 ganap na alas 7:04 ng gabi.
Isang at large ang nahuli sa ikinasang buy-bust na kinilalang si Alyas “Tony” (maintainer- at large); alyas “Bingkoy” (emokeyado); alyas “Cardo” (bisita); alyas “Lemuel” (bisita); alyas “Natoy” (bisita); alyas “Ana” (bisita); at isang menor de edad.
Nakumpiska mula sa lugar ang pitong piraso ng sachets ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 3.45 gramo na may estimated market value na dalawampu’t tatlong libong piso at ilan pang drug paraphernalia.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek.