Isang drug den sa Mabalacat City sa Pampanga, nabuwag ng mga otoridad

Isang drug den sa Mabalacat City sa Pampanga, nabuwag ng mga otoridad

ISANG drug den sa Mabalacat City, Pampanga ang nabuwag ng mga otoridad matapos ang ginawang operasyon araw ng Huwebes.

Ang nasabing operasyon ay ginawa sa North Daang Bakal sa Barangay Dau na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III.

Maliban sa pagkakabuwag ng drug den arestado din ang tatlong suspek na kinilalang sina alias Rinrin, alias Vin at alias Ricky.

Nakuha din mula sa mga suspek ang anim na transparent plastic sachets na may laman ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na sampung gramo.

Aabot naman sa mahigit animnapung libong piso ang halaga ng nakuhang iligal na droga, nakuha din ang isang cellphone, ibat-ibang drug paraphernalia at ang buybust money.

Ayon sa PDEA, nahuli nila ang tatlong suspek sa loob ng naturang drug den na ino-operate ni alias Rinrin.

Sa ngayon nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuling suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble