MEDYO mababa ang penalty para sa sinumang magnanakaw ng pondo mula sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Komento ito ng ekonomistang si Dr. Michael Batu sa panayam ng SMNI News.
Aniya, hindi ito nakaka-compensate sa halaga ng pera na maaaring manakaw mula sa Maharlika Fund.
Samantala, isa rin sa aspeto na ipinangangamba ni Dr. Batu ay ang sinumang itatalaga para maging board sa Maharlika Fund.
Aniya, maganda kung talagang may background ang mga ito sa pagpapatakbo ng bangko halimbawa.
Para din kay Dr. Batu, mainam kung hindi pahintulutan na maupo bilang isa sa mga bubuo ng board ng Maharlika Fund ang mga dayuhan.
Nitong May 31, 2023 ay aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Senate version ng Maharlika Investment Fund Bill.