Isang eksperto, naniniwalang ibabalik ng pamahalaan ang mandatoryong pagsusuot ng face mask

Isang eksperto, naniniwalang ibabalik ng pamahalaan ang mandatoryong pagsusuot ng face mask

TIWALA ang Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPi) na kakatigan ng Malakanyang ang mga kahilingan na obligahin o ibalik muli ang paggamit ng face mask sa open spaces o outdoor areas.

Sinabi ni PHAPi President Dr. Jose de Grano, ito ay dahil tumataas na naman ang bilang ng mga kaso ng COVID-19, 2 linggo matapos pinayagan ang optional na pagsusuot ng face mask.

Kaugnay nito, pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na irekomenda nila kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ibalik sa mandatory ang pagsusuot ng face mask sa labas.

Kinumpirma naman ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire na umabot sa 17, 891 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala nitong nakaraang linggo.

 

Follow SMNI News on Twitter