Isang eksperto, umapela sa mga mayors na pangunahan ang panawagan sa booster shot campaign

Isang eksperto, umapela sa mga mayors na pangunahan ang panawagan sa booster shot campaign

NANAWAGAN sa mga local government units ang isang medical expert na tumulong sa kampanya ng national government kaugnay sa booster shot vaccination laban sa COVID-19.

Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, former president ng Philippine College of Pysicians na mas mainam kasi kung mismong ang mga mayors ang manghihikayat sa kanilang mga constituents na magpaturok na ng booster shot, partikular ang mga nakatatanda at iyong mga may commorbidities.

Ang panawagan ay inilabas matapos na muli na namang tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ito ay tatlong linggo makaraan namang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na optional o hindi na obligado ang pagsusuot ng face mask sa mga open areas o sa outdoor at well ventilated spaces.

 

Follow SMNI News on Twitter