Isang estudyante at ina, nakasama sa Japan tour ni VP Inday Sara Duterte

Isang estudyante at ina, nakasama sa Japan tour ni VP Inday Sara Duterte

NAKASAMA ang isang estudyante at ang kaniyang ina sa Japan kasabay ng pagbisita ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte sa nasabing bansa.

Kasama ni VP Duterte ang Grade 9 student na si Trix at ang kaniyang ina na si Jen mula sa Dinalupihan, Bataan.

Ang pagsama ni Trix sa Japan ay bahagi ng “You Can Be VP” project ng Office of the Vice President.

Layon ng nasabing proyekto na magbigay inspirasyon sa mga mag-aaral na magsumikap at mangarap sa buhay.

Nakasama si Trix at ang kaniyang ina sa lahat ng official events ni VP Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter